Friday, 16 March 2012

A Mentor's-Journalist Journey: Livng and Inspiring




          Everybody has someone to look up to. Young or old, everybody finds someone they admire, idolize and look forward to learn from and they are called the role models of the society.

Role models can make a huge impact on people’s lives and but for those who are truly honest and has the passion and compassion for giving kindness and sharing their wisdom to others are the few who definitely have made an unforgettable mark that is shown to those who live on with them. 

          One such role model is the journalist educator Romulo V. Maturingan. A graduate of Bachelor of Arts in Journalism degree in Polytechnic University of the Philippines, and took his Masters’ degree in Public Administration in Bulacan State University, where he has now been teaching as a Journalism instructor for about a year.


          But before his teaching career started, he first worked at GMA7 Network as the ‘brain-stormer’ for television news and entertainment programs and became an executive producer of ‘Imbestigador’ directly working under the reporter, Mike Enriquez, in DZBB Radio and anchor of 24-Oras, television news program.

          His career in GMA 7 has been going on for almost 7 years up till now, but during February of 2011, he decided to try to take a shot for a job opportunity in Singapore.

          Following his motto--- ‘live life to the fullest’, he left for Singapore and resigned from the network but went back to the Philippines shortly afterwards and reapplied back to GMA7 network where he now works as their Junior News Desk Editor in the news department.

          “I tried going to Singapore for greener pastures, but unfortunately, siguro that was just not for me so I reapplied sa GMA and underwent the same process na parang baguhan ulit ako doon.

       As an educator in Journalism, Sir Mulong, as he is called, has always considered his job as a profession, and not as a sideline even though he only works as a part-time instructor in BulSU. And in his experience, it has only been a year but his passion for teaching, his field of expertise has always been inspiring for him.

        “Mga 1 year palang ako sa pagtuturo pero masarap talaga ‘yung feeling kapag nagtuturo ako. Kung baga ganoon kabigat sa’kin ‘yung trabahong ito. Hindi ko siya mako-consider as a sideline. Profession talaga,” the educator mentioned.

         From his teaching experience, he also saw that he can also be a student as well as a professor—being able to learn from others as well to be able to share his own knowledge and experience with them. 

        “Naging Masscom student din ako before ako naging professor kaya naiintindihan ko din naman ang mga estudyante ko. Natutuwa ako kasi nakikita ko din na nagagawa naman nila ang mga dapat at nakakagawa din sila ng mga projects na hindi naming nagagawa before,” he said.


      “It’s fulfilling to impart knowledge. May natututunan ako in a sense na may naituturo ako.” he added.

     The most important lesson he also wanted his students to learn is the value of education and the importance of ethics on the field of Journalism.


        “Bukod sa study hard, gusto kong maalala nila [his students] ang importance ng ethics kapag nasa field na sila. Sana ‘yung ethics na ‘yon ma-maintain, kasi pag nasa trabaho na, may temptation ‘di ba?” Maturingan said.

        For now, he is contented with his life, and still waiting for what may come. He still hasn’t planned on marrying yet too, being single and ‘kasal muna ako sa aking sarili’ as he cheerfully said.
       Staying humble, still single, grateful to his family, enjoying teaching and being able to be free to be himself (like what his Chinese “Freedom” tattoo on his left forearm symbolizes), Romulo “Mulong” V. Maturingan continues to inspire his students, his colleagues, his fans, and is living his life completely to the fullest.#Carla Hermoso

Mukha ng PAg-ibig: Paglalakbay ng estado ng mga Puso

 Sabi nila masarap daw ma-inlove, lalo na kapag natagpuan mo na yung taong nakalaan para sa’yo. Mayroong mga nagtatagumpay, at mayroon din namang nabibigo.
Malaki kasi ang mundo, may iba’t ibang tao na may iba’t-ibang kwento, karanasan at sitwasyon.
‘Love is kind, love is patient it does not envy, it is not proud, it takes no thought for itself; it is not easily angered, it takes no account of evil no pleasure in wrong doing, but has joy on what is true. Love has the power of undergoing of all things, having faith and hoping in all things, love has no end.’--- Corinthians 13
NO BOYFRIEND SINCE BIRTH (NBSB)
Maraming dahilan kung bakit nananatiling single ang isang babae.  Istorbo, magastos at walang time para isipin ang mga ganoong bagay. Mayroon naman talagang minalas lang, kaya wala pa ring matagpuang karapat-dapat para sa tinatangi niyang lalaki.
Pero  ayon kay Rhea Mae Redido, 17 at isang 2nd yr college student na hindi pa rin nararanasan ang pumasok sa isang relasyon, isang certified NBSB., na-inlove na rin siya tulad ng iba, pero hindi iyon ang priority niya at hindi niya pinagtuunan ng pansin kaya nawala din ang feelings niya.
May mga nagkakagusto rin naman sa kanya, pero hindi niya  talaga ine-entertain yung mga nagbabalak manligaw.
“Ang maganda kasi sa pagiging single, malaya ka at sarili mo lang ang kumokontrol sa’yo,”ani Rhea.
Dagdag pa niya, gusto niya ring ma-experience ang magkaroon ng boyfriend, pero hindi pa sa ngayon. Siguro  ay kapag nakaluwag-luwag na siya sa buhay, aniya.
 Sabi pa niya, hindi siya naiinggit sa mga magkarelasyon. Minsan pa nga ay kinikilig siya sa mga ito, lalo na kapag nasaksihan niya mismo ang kwento nila.
“Masarap at masaya ang ma-inlove, at naniniwala ako na may magandang inilaan ang Diyos para sa akin. Kapag nagmahal ka kasi, magagawa mong gawin yung pinakaayaw mong gawin para sa taong mahal mo,” dagdag pa ni Rhea.
NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH
Hindi lang babae ang pwedeng maging NBSB p’wede rin ito sa lalaki, No Girlfriend Since Birth nga lang. Hindi dahil sila ay torpe kundi dahil naniniwala ang ibang kalalakihan na ang pag-ibig ay hindi isang laro. (Ginto na ang mga lalaking ganito sa panahon ngayon)
“Ang love kasi, nararamdaman yan at hindi iniisip” ani Cian Diaz, isang 2nd year student.
Ganyan ang pag-ibig  para sa kanya. Kahit matagal, darating pa rin yung taong para sa isang tao. Pero hindi siya naniniwala sa destiny, kaya nga siguro sa sobrang tagal ng taong hinihintay niya, ay hindi niya pa rin niya nararanasan ang magka-girl friend simula nang siya ay ipanganak.
Marahil, nakakagulat ito para sa isang lalaki dahil bihira talaga ang NGSB o No Girlfriend Since Birth para sa mga binata ngayon. Hindi na uso ang ganyan dahil para sa kanila, mas magiging lalaki sila kung mas marami silang naging ‘chicks’. Siguro, iba talaga si Cian sa henerasyon ngayon, dahil wala sa isip niya na maging “playboy”.
“Hindi ko naman ginusto yung ganito, nagkataon lang talaga na yung dalawang babaeng nagustuhan ko eh, ayaw sa akin o hindi pa handa sa isang relasyon. Siguro, focus na muna ko sa training ko ngayon bilang player ng sepak at sa pag-aaral ko. Darating din naman ‘yun sa tamang panahon, oras at pagkakataon,” dagdag pa niya.
SINGLE AND READY TO MINGLE

May mga tao namang masaya kahit walang karelasyon. Masaya sa piling ng kaibigan, kapamilya at mga taong nasa paligid niya. Ngunit, minsan ay pinapangarap ring magkaroon ng isang magandang love story. Isa na dito si Ruby Jean Ricafranca 20, 3rd yr Journalism student sa BSU.
Ayon sa kanya, hindi naman niya choice na wala siyang boyfriend. Nagkataon lang na hindi pa siya handa sa mga bagay na wala pa naman. Aniya, ayaw niyang madaliin ang ganoong bagay, dahil masaya naman siya kasama ang kanyang mga kaibigan.
Pero minsan, hindi niya maiwasan ang malungkot. Natural lang iyon, aniya, dahil tao lang siya, at may mga pagkakataon talaga na feeling niya, mag-isa lang siya.
“Na-inlove na kasi  ako sa best friend ko pero wala eh, sad ending. Hindi niya ko gusto, pero wala na yon sa akin. Masakit lang sa akin kasi best friend ko siya. Parang nawala yung lagi kong karamay sa lahat ng bagay. Ganun naman talaga siguro. Kung magkaka-boyfriend naman ako, hindi naman ako magiging possessive, kasi mas lalo lang niya mararamdaman na mahigpit ako sa kanya”, paliwanag ni Ruby
Hindi rin siya naniniwala sa una at huli, dahil gusto niyang makilala talaga ang isang lalaki. Ayon pa sa kanya, mahirap masira yung trust na ibinigay ng isang tao sa kanyang kapwa.
 “Ang tagal mo naman, gaano ba kalaki ang mundo para hindi pa tayo nagkikita? Sana nga makita niya ko at sana din malaman niya na ako yun,” pagtatapos ni Ruby  na tila nananawagan sa kanyang magiging future boyfriend.
THE LONGER, THE STRONGER
Maraming humahanga  sa mga relasyong nagtatagal. Hindi na kasi uso ang ganoon ngayon. Madali kasing mainip ang mga kabataan, at laging minamadali pati ang pag-ibig.
Hindi makapaghintay, kaya’t marami ang maagang nag-aasawa. Pero pinatunayan ni Gio Agupitan at Moanne ang kahalagahan ng matagal na pagsasama.
Mahigit pitong taon nang magkasintahan sina Gio at Moanne. Nagkakilala sila sa Jollibee Sta. Maria. Working student si Gio habang nago-ojt naman si Moanne noon. Nagustuhan ni Gio kay Moanne ang kanyang pagiging masayahin, laging game sa lakaran, at pagiging loving at caring lalo na sa pamilya niya.
“Nagustuhan ko sa kanya (Gio) yung pagiging simple, hindi mayabang, gentleman at thoughtful”, pagbabahagi naman ni Moanne.
Kahit parehong abala sa trabaho, nagkikita parin sila ng dalawang beses sa isang linggo. Halos araw-araw din silang naguusap sa telepono at nagkakatext.
Ibinahagi nila na ang nagpapatibay raw ng kanilang relasyon ay trust at effort para maiparamdam kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa.
Nung una daw ay may tumututol sa relasyon nila, unang-una dito ay ang mga magulang ni Moanne. Pero ngayon, dahil parehong may magandang career naman na ang dalawa at naging maayos naman ang relasyon nila, wala nang pumipigil sa dalawa at halos lahat ay gusto sila bilang magkasintahan.
Hindi mawawala ang pagkakaroon ng problema at minsan  ay hindi pagkakaintindihan sa isang relasyon. Isa sa mga naging mabigat na problema nila ay nung nagkasabay-sabay ang problema sa  pamilya, school at sa trabaho kaya pati ang relasyon nila ay naapektuhan. Ngunit hindi iyon naging dahilan para masira ang kanilang pinagsamahan.  Pinag-usapan nila at nagpaliwanagan sila kaya naayos ang kanilang problema.
“Balance ng oras ang kailangan, kasi nauubos sa stressful works at family matters”, ani Gio.
Nung nagkapatong-patong ang problema, binigyan nila ng space ang isa’t-isa para pamakapag-isip at maayos ang gusot sa kanilang relasyon.
“Mas mahal ko pa siya sa salitamg mahal, and I love her more than my own life, kaya hindi ko kayang mawala siya”, paglalahad ni Gio ng kanyang damdamin para sa kasintahan.
Naniniwala din ang dalawa na sila na habang buhay,  sa katunayan, ay nakaplano na ang nalalapit nilang kasal sa June. Gusto na kasi nilang magkaroon ng sariling pamilya, dahil para sa dalawa,l sapat na ang tagal ng kanilang pagsasama para masabing handa na sila.
Hindi naman raw mahalaga ang tagal ng pagsasama, pero dahil hindi pa kayo ready, wala pang budget, hindi pa stable, at merong mga taong makikialam kaya dapat ay huwag madaliin at paghandaan muna itong mabuti.
Para magtagal raw ang relationship, dapat ay i-enjoy niyo lang ang relasyon niyo at treat your partner like your best friend and buddy. Hindi lang kayo basta magbf/gf, kayo rin ay family na nagtutulungan, nagsasabihan ng mga problema , nakikiramay at nagseshare sa bawa’t isa. Dapat rin ay meron kayong God para magpatibay sa relasyon niyo.
Narealize nila na it’s nice to be inlove and to be loved. Lahat naman ng tao ay gustong maramdaman na iniibig rin sila ng taong mahal nila. Mahalaga rin ang effort, sacrifice, paglalaan ng panahon sa mahal mo, pagpapakumbaba, pagkalimot sa pride, tiwala sa isa’t-isa at higit sa lahat, ang pananalig sa Diyos.
“Laging manalig kay God, dahil siya ang tutulong para manatiling matibay ang relasyon at siya ang magnonourish ng pag-ibig na ibinigay niya sa atin, for us to enjoy life and love”, pagbabahagi pa ni Gio.
LONG DISTANCE RELATIONSHIP
Isa sa pinakamahirap na sitwasyon, ang malayo sa taong minamahal mo. Pero para sa mga taong tunay na nagmamahal, hindi hadlang ang layo o distansya para hindi mo maipadama sa kanya ang nararamdaman mo. Hindi ito dahilan para bumitaw ka sa inyong pangako. Sabi pa ng iba, dito talaga nasusukat kung kayo nga talaga ang para sa isa’t-isa.
Ganito ang kwento ni Cristina Pineda 20, na nasa isang long distance relationship. Dalawang taon at tatlong buwan na sila ng kanyang kasintahan na si Jayson Gabriel 21. Umalis ang binata patungong Canada kasama ang pamilya nito para doon na manirahan, at iyon ang naging dahilan para magkalayo ang dalawa.
Kahit malayo sa isa’t-isa, halos araw-araw ay nakakapag-usap naman ang magkasintahan sa pamamagitan ng Facebook, text message at minsan ay tawagan sa cellphone.
Ayon kay Cristina, masaya ang relasyon nila ngunit mahirap. Masaya dahil kahit malayo sila sa isa’t-isa, nakakasurvive parin ang relasyon nila, at mahirap dahil magkalayo sila at hindi nagkikita.
“Nae-express namin yung feelings namin, sa facebook lang, sa tawag at sa texts”, ani Cristina.
Dagdag pa niya, hinahanap-hanap raw niya yung affection at yung nakasanayan na niya nung hindi pa umaalis si Jayson.
Meron na rin silang mga naging problema habang magkalayo sa isa’t-sa. May mga tao kasing gustong sirain ang kanilang relasyon. Pero dahil sa kanilang pagtitiwala at pagmamahalan, hindi sila nagpadala sa mga walang katotohanang kwento, kaya’t agad rin nilang naayos ang problema.
Love and Trust, yan ang nagpapatibay sa relasyon nila. Nakasisigurado din si Cristina na hindi siya lolokohin ni Jayson dahil pinanghahawakan niya ang mga pangako nito para sa kanya.
Mayroon na rin silang plano para sa hinaharap. Susunod si Cristina sa Canada para doon magtrabaho at para magkasama na sila ni Jayson. Doon nila tutuparin ang kanilang mga pangarap para sa isa’t-isa at ang pagkakaroon ng isang masayang pamilya.
Para kay Cristina, ang pinakamahalagang bagay na natutunan niya sa pag-ibig ay maghintay. Dagdag pa niya, “Kailangan niyo ding magtiwala sa isa’t-isa, magsacrifice, at magtake ng risk, dahil ano man ang mangyari, in-allow ni Lord ‘yun.”
TILL DEATH DO US PART
Sa mga relasyon, wala na sigurong mas sasaya kapag nakasama mo ang iyong minamahal hangang pagtanda. For richer or for poorer in sickness and in health till death do us part kumbaga. Ganyan ang naging samahan nina lola Luisa at lolo Antonio Singh mula sa Hagonoy Bulacan.
Pebrero  14,1960 ang naging pinakamahalagang araw nila dahil ito ang mismong araw ng kanilang kasal, kaya nga memorable sa kanila ang valentines day. Dalawa kasi ang sinecelebrate nila tuwing sasapit ang buwan ng mga puso.
Nagkakilala sila sa pamamagitan ng kaibigan at nagustuhan na agad ni Lolo Antonio ang kanyang asawa nung una palang nilang pagkikita. Ang nakakatuwa pa ay hindi niligawan ni Lolo Antonio si Lola Luisa. Inaya daw ni Lolo Antonio si Lola na magsimba kasama ang isa pang kaibigan. Ngunit hindi pala sila pupunta sa simbahan. Kasabwat pala ni Lolo Antonio ang kanilang kaibigan at si Lolo Antonio ang nagmaneho ng tricycle. Isinama niya si Lola Luisa at itinanan, pumayag naman ito dahil gusto niya rin pala si Lolo Antonio.
Hindi sila nagsawang magmahalan, Hindi naghiwalay at lalong hindi nagkaroon ng iba, kung kayat nakabuo sila ng  9 na anak na gayon ay  may sari-sarili nang pamilya. Mayroon na din silang 15 na makukulit na apo
Ang kanilang kwento ng pag-ibig ay talagang pambihira dahil mula noon hanggang ngayon ay magkasama parin sila, at kahit kalian ay hindi nagsawa sa isa’t-isa. Magkasama nilang hinarap ang lahat ng suliranin na dumating sa kanilang buhay at ngayon, masaya sila dahil alam nilang ang pag-ibig nila ay hanggang huli na.
Nakaktuwang isipin na sa kabila ng gulo ng mundo, mga isyu tungkol sa divorce at sangkaterbang usaping pang hiwalayan ay may mga tao pa ring naniniwala sa kapangyarihan ng pag-ibig. Na Love can still make the world go round.
Dahil ang pag-ibig ay para sa lahat, walang pinipiling tao, panahon o sitwasyon. Ito ay para sa lahat ng nagmahal, nagmamahal, at magmamahal. Ito ay para din sa mga nabigo, natatakot at patuloy na nagtatanong. Sabi nila kusa yan dumadating, kaya wag mong madaliin. At kapag hawak mo na, wag mo nang pakakawalan. Kung nabigo ka man, asahan mong dadating ang mas magandang kapalit. At kung ‘di ka pa rin sang-ayon, subukan mong umibig, para malaman mo, malay mo, mayroon palang nakalaan sayong isang napakagandang istorya.
Magmahal ka, dahil bukod sa ngiti ang pag ibig na lang ang libre ngayon.#Jovelyn Bautista, Karen Romantico at Florence Ambrocio

Swerteng Pagsalubong sa Bagong Taon






                Nakasanayan na ng mga Pilipino ang pagsalubong taun-taon sa paparating na bagong taon. At sa bawat taon, tiyak na hindi mawawala ang sandamakmak na handa sa hapag kainan, tiyak na hitik ito sa mga iba’t ibang pagkain na pagsasaluhan sa gabi bago ang unang araw ng taon o ‘Media Noche’.

                Kaalinsabay ng pagdiriwang na ito, hindi mawawala ang mga nakagisnang paniniwala ng mga Pilipino lalo na ng mga Bulakenyo. Mga pamahiing tila namana ng mga Pilipino sa mga dayuhang Tsino, na kilala sa pagsasabuhay at pag-aaplay ng pampalayas at pagpapalapit sa mga grasya sa isang pamilya, tahanan o maging sa kampanya.
                Ang pamahiin ay likas na sa kaugalian ng mga Pilipino dahil sa kahit na ano mang mga pangyayari ay may sarili silang mga paliwanag. Katulad na lamang sa pang-araw-araw na gawain, naniniwala ang ilan na ‘bawal ang magwalis tuwing gabi’, dahil kapag daw nagwalis ka sa gabi ay itinataboy mo daw ang pagpasok ng grasya sa inyong tahanan.
                Samantala, ano naman kayang mga paniniwala ang patok sa panlasa ng mga Pilipino, ngayong sasapit na ang araw ng bagong taon.
                Narito ang ilan o sampung nanguna sa mga karaniwang isinasagawa ng mga Bulakenyo ayon sa Surbey na isinagawa ng THE BEAT TELLS:

Paghahanda ng 12 bilog na prutas sa hapag kainan

“[Paghahanda ng] 12 round fruits representing 12 prosperous months [of the year],” ani ni Roxan Francisco.
Tunay na kilala ang mga bilog na prutas tuwing sasapit ang bagong taon. Kaya sa tuwing panahon ng kapaskuhan ay hitik na hitik ang mga pamilihan sa dami ng klase ng mga bilog naprutas. At sa kapag bisperas na ng bagong taon, nagkaka-ubusan na ng rasyon ng mga bilog na prutas sa mga pimilihan.
Ang paglalagay ng mga bilog na prutas sa hapag kailanan ay pinaniniwalaang magdadala ng tiyak na swerte sa labindalawang buwan ng taon.



Pagpapaputok o pag-iingay pagsapit ng paghihiwalay ng taon o alas-12 ng hating-gabi

Iisa lang ang nasa isip ng mga Bulakenyo sa tuwing mababanggit ang salitang ‘bagong taon’, ito ay ang pagpapaputok o pag-iingay upang maitaboy ang malas sa pagpasok ng taon.
Sa katunayan, tunay na kilala at dinadayo ang lalawigan ng Bulacan sa tuwing papalapit na ang araw ng pagsalubong ng bagong taon. Ito ay dahil nasa ating lalawigan ang bayan kung saan marami ang nagtitinda ng paputok at makukulay na pailaw tuwing bagong taon, sa Bocaue.
Ngunit, sa panahon ngayon mahigpit nang pinag-iingat ang mga mamamayan sa pagpapaputok upang maiwasan ang disgrasya.
“Kinakalampag ko lahat ng pwedeng makalampag, sabi kasi kailangang mag-ingay para lumayas ang malas,” sabi ni Regine Roque, 19 anyos na siguradong hindi magtatamo ng kahit anumang peligro dulot ng paputok.
May ilan namang gumagamit ng torotot, takip ng kaldero at maging mga walang laman na balde upang makalikbha ng ingay.

Ang pagtalon ng tatlong beses pagtungtong ng alas-12 ng hating-gabi
‘Talon na! Talon na! Alas 12 na!’--- ‘yan ang kadalasang mong maririnig sa tuwing tatapat ang dalawang kamay ng orasan sa 12 tuwing maghihiwalay ang taon. Dahil sa oras na iyon, magsisimula ang putukan at pag-iingay ng lahat.
Kasabay ng oras na iyon ay ang pagpapatalon ng mga matatanda sa mga bata ng tatlong beses, ngunit ngayon ay hindi na nasusunod, upang sila ay tumangkad.

Pagsusuot ng damit na ‘Polka Dots’
“Pagsusuot ng ‘polka dots’ na damit,” --- ani ni Jecelyn Batalla noong tinanong siya ng PUNLA patungkol sa kasanayan niya sa tuwing sasapit ang bagong taon.
Ayon sa kaniya, naniniwala siya, tulad ng paniniwala ng marami, na ito ay magdadal ng suwerte sa kaniya lalo na sa pananalapi, dahil ang bilog na hugis ay sumisimbolo sa pera.

Paghahanda ng matatamis at malalagkit na pagkain

Likas na sa kaugalian ng mga Bulakenyo ang paghahanda ng mga pagkainsa tuwing may selebrasyon, lalo na ang mga minitamis at mga kakanin. Kaya’t tuwing bagong taon ay hindi din mawawala ang mga ito sa mesa.
Samantala, ayon kay Rachelle Dela Pena, na naniniwalang may dalang swerte ang paghahanda ng matatamis at malalagkit na pagkain sa pagsalubong sa bagong taon, ang mga pagkaing ito ay magdadala ng ikagaganda ng samahan ng pamilya sa isang tahanan sa buong taon.
“Para maging kasing tamis at lagkit ng pagkain ang kanilang samahan sa buong taon at mabilis na kakapit ang swerte,” dagdag pa niya.


Paglalagay ng barya o pera sa bulsa at Pagpapagulong ng barya sa loob ng bahay
Upang patuloy ang pagdating ng pera sa isang tao sa buong taon, pinaniniwalaan na dapat na may lamang pera ang bulsa.
“Dapat ‘din na magpagulong ng barya papasok sa loob ng bahay, para tuloy-tuloy naman ang pasok ng pera sa isang pamilya sa buong taon,” ani naman ni Ma. Elena Padua.
Ayon na din sa kanya, taun-taon nila itong ginagawa dahil wala naman daw mawawala kung susubukan.

Pagpupuno ng bigasan at lalagyanan ng mga pagkain
Samantala, nakagawian na ni Priscilla Angeles, 72 anyos, ang pagpupuno ng kaniyang bigasan at ilang mga lalagyanan ng mga pampalasa bago at sa araw ng pagsalubong sa bagong taon.
“Pinupuno ko ‘yung bigasan at mga lalagyanan ng toyo at suka, para sa buong taon ay may laman at hindi iyon mawalan,” ani nito.
Maging ang ilan ay nakagawian na rin ang pagpupuno ditto dahil sa paniniwalang hindi ito mawawalan ng laman sa buong taon.

Bawal maghanda ng manok
Ngunit, hindi lamang puro pampasuwerte ang pinaniniwalaan ng mga Bulakenyo. Bukod sa mga pagtangkilik sa iba’t ibang bagay at pagkain, mayroon ding handa na iniiwasan ang mga ito.
“Sabi nila [matatanda], bawal daw ang paghahanda ng manok,” ani ni Gladys Rivera, “…kasi, ayon na din sa kanila lilipad daw ang good luck o grasya,”

KAKAIBANG NAKAGAWIAN: Taun-taong pagpapalit ng bagong wallet at pagsira sa lumang wallet
                Kakaiba naman ang nakagawian ng tiyuhin ni Regine Roque, sa kaniyang pagkakakwento sa THE BEAT TELLS, dahil ang ayon sa kanya, taun-taon nitong pinapalitan ang pitaka at gayundin ang pagsira nito sa kaniyang pinaglumaan. Ito raw ay upang suwertehin siya sa pananalapi sa buong taon.

                Maraming pamahiin ang pinbaniniwalaan, ngunit hindi natin alam kung ang mga ito ay may kasiguraduhan. Mga gawi ng pag-iwas at pagsunod sa mga ito na hindi alam kung ano ang patutunguhan.
                Ngunit, sundin man natin to o hindi, maniwala man o hindi, wala namang mawawala dahil hindi naman sa isang bagay lamang nakasalalay ang ating mga hinaharap kundi, Siya pa din ang may alam ng lahat. Siya pa din ang masusunod. Ang lumikha sa lahat--- ang Panginoon.#Elmar Cundangan